'Ang panalangin o ang pagdarasal sa ating Diyos ay pagpapatunay na tayo ay may malakas at matibay na pananampalataya sa Diyos. Ang pakikipag-usap natin sa Kanya – sa pamamagitan ng pagdarasal ,ang siyang nagiging daan upang makalapit tayo sa Kanya at maging karapat-dapat sa kanyang harapan. Kung ang isang tao ay mapananatili ang ganitong gawain, susuklian siya ng mabuting kalooban galing sa Itaas. Kahit na ito ay isang tula na panalangin, sanaysay, maikli o mahaba, basta\'t naroroon ang taimtim na pagnanais na makausap ang Diyos, tiyak na pakikinggan ang mga ito. Pinatutunayan ng mga dasal sa Diyos na tayo ay naniniwala sa kanyang pag-iral. Sa panalangin natin ipinakikita ang ating pagpapakumbaba - ang pag-amin sa ating kahinaan at kasalanan, at ang pangako na pipilitin nating maitatwa ang kasamaan sa ating buhay. Ito rin ang nagsisilbing tagapamagitan upang patuloy tayong konektado sa Itaas. Ang panalangin ang siyang nagiging daan ng ating pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang ating natatanggap sa araw-araw. Sa pamamagitan ng ating panalangin, naipapadala natin sa Diyos ang mga pasasalamat natin sa kanyang kabutihan at pangangalaga sa atin at sa ating pamilya at mga mahal sa buhay. Ang panalangin ang paraan natin kung saan natin naipararating ang ating mga pangangailangan. Dito natin ipinamamanhik ang ating mga kahilingan tungo sa isang masagana, mapayapa at mabuting buhay tungo sa ating walang pag-aalinlangang paglilingkod sa Kanya. Ugaliing makipag-usap sa Panginoon. Umusal ng kahit maikling panalangin upang mairating mo ang iyong mga hangarin. #Prayerbeforemeals #tagalogprayers #LivelifeTv #thelastsupper #hulinghaponan'
Tags: prayer before meal , prayer before meal tagalog , prayer before meal for birthday celebrant , prayer before meal with lyrics , prayer before meal for birthday celebrant tagalog , prayer before meal latin , panalangin bago kumain , panalangin bago kumain tagalog , panalangin bago kumain sa birthday , panalangin bago kumain sa isang pagtitipon , panalangin bago kumain sa kaarawan , panalangin bago kumain sa kasal , last supper , last supper mass 2021 , last supper tagalog
See also:
comments